Muling pinagana ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ng Cagayan ang kanilang Incident Management Team (IMT) ngayon at nanalasa ang Bagyong #GoringPH sa probinsya.
Ayon kay PDRRMO head Reulie Rapsing, inaasahang sisimulan na bukas ang deployment ng mga augmentation force sa mga maapektuhang bayan, lalo sa coastal areas.
Maliban dito naka-alerto na ang Quick Response Team (QRT) ng pitong (7) substation ng Task Force Lingkod Cagayan ng provincial government. Maging ang floating assets at iba pang gamit pang rescue, kasama na rito ang engineering fleet o heavy equipment naka standby na rin sa mga istratehikong lugar sakaling kakailanganin.
Ang binabantayan sa ngayon ayon kay Rapsing, ay ang ulan na ibubuhos ng bagyo na maaaring makapagpabaha sa mababang lugar sa lalawigan.
Sa relief goods namam, mayroong nang 4,500 na naka-pack na tig-limang kilo ng bigas, 800 family food packs sa warehouse sa Kapitolyo ng Cagayan, at karadagang 500 na sako ng bigas na may tig-50kilos sa warehouse naman sa Sub Capitol, Bangag, Lal-lo, ito ay maliban pa sa mga relief goods na donasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), Chinese consulate, at iba pang ahensya na handa nang maipamahagi sa mga mangangailangang bayan na naapektuhan ng bagyo.| ulat ni Dina Villacampa| RP1 Tuguegarao