Ingklusibong edukasyon at pamayanan para sa mga Pilipinong may kapansanan sa paningin, isinulong ngayong White Cane Safety Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan para maitaguyod ang pagkakaroon ng ingklusibong lipunan para sa mga Pilipinong may kapansanan sa paningin.

Ito ang naging sentro ng kick-off celebration ngayong araw ng 2023 White Cane Safety Day na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na miyembro ng White Cane Inter-Agency Committee.

Nagsilbing panauhing pandangal sa selebrasyon si DepEd Bureau of Learning Delivery Dir. Leila Areola na ipinunto ang kahalagahan ng patuloy na pagsuporta sa mga visually impaired.

Kasama sa highlight ng programa ang presentasyon ng iba’t ibang inisyatibo ng pamahalaan para maprayoridad ang kapakanan ng mga ito kabilang ang standardization ng Filipino Braile Code sa pagtuturo sa mga learner with visual impairment.

Sinasanay rin ang mga ito sa digital literacy at nagkakaron ng upskilling at reskilling ng special needs education teachers.

Sa panig naman ng Department of Health, inihayag nito ang mga plano para sa naturang sektor kabilang ang pagpapalawak sa access ng mga PWD kabilang ang ‘visually impaired’ sa mga serbisyong pangkalusugan at maitaguyod na rin ang ganap na implementasyon ng RA 11358 o ang National Vision Screening Act.

Kasama rin sa natalakay dito ang accessible technologies para sa Learners with Visual Impairment. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us