Inisyal na planong pagsasagawa ng oil exploration sa WPS, kinumpirma ng DOE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na may mga inisyal nang plano para sa pagsasagawa ng mga exploration sa mga islang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, ang desisyon na ito ay matapos na banggitin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ang panibagong oil exploration sa mga teritoryo ng Pilipinas.

Dagdag pa ng kalihim, ginagawa ng Energy Department ang nasabing hakbang sa gitna na rin ng kamakailang panghihimasok ng China sa WPS.

Kasabay nito, nangako si Secretary Lotilla na isusumite nito sa Kamara ang listahan ng mga service contracts, kasama na ang kabuuang plano para sa naturang exploration.

Samantala, tututukan rin ng umano ng ahensya ang mga improvement sa nasabing exploration dahil tiyak na makakatulong ito sa bansa sakaling maging matagumpay ito.| ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us