Insentibong natatanggap ng mga atletang Pilipino, du-doblehin ng Marcos Administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na ang pagpapalawak pa suportang matatanggap ng mga atletang Pilipino, sa ilalim ng Marcos Administration.

“Dapat naman susuklian namin ang inyong ginawang sakripisyo, ang inyong dinala na dangal para sa ating mahal na Pilipinas. Kaya’t asahan ninyo na sa administrayon na ito ay gagawin natin ang lahat para masuportahan natin at ipalabas natin ang kagalingan, ang husay ng ating atleta,” —Pangulong Marcos Jr.

Sa awarding ng incentives para medalists ng SEA Games at ASEAN Para Games, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mayroon na silang plano na suporta ang mga atleta, trainers, coaches, nutritionist, at maging ang driver ng mga ito.

“I am always a little embarrassed when I see that we are not supporting our athletes and our coaches and our trainers and all the support groups, even the families. Alam naman natin, hindi kayo naging champion na nag-iisa. At maraming tumulong para kayo ay maging champion,” —Pangulong Marcos.

Sa bigat aniya ng sakripisyo at karangalang ibinibigay ng mga ito para sa Pilipinas, angkop lamang na suklian sila ng pamahalaan.

“Maraming nag-sakripisyo. Iyon na nga iyong ating mga coach, kung sino ‘yong mga nagpapakain sa inyo, mga magulang ninyo. So it seems that what we in government, considering the honor and the pride that you bring to the Philippines, it seems that it is not commensurate for the great service that you do for our country and our people,” —Pangulong Marcos Jr.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, du-doblehin ni Pangulong Marcos Jr. ang insentibong natatanggap ng mga Pilipinong atleta.

“Yes he has doubled it.” —Secretary Garafil.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang isang gold medalist na nagwagi sa SEA Games individual games category ay makatatanggap ng Php 300,000; silver medalist, Php 150,000; at, bronze medalist, P60,000.

Makatatanggap naman ng Php 150,000 ang gold medalist sa 12th ASEAN Para Games; Php75,000 para sa silver medalist; at Php 30,000 para sa bronze medalist.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us