Isinagawa sa Camp Crame ang final inter-agency conference para sa FIBA Basketball World Cup (FBWC) kasama ang iba’t ibang stakeholders.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Michael John Dubria, tumatayong overall supervisor ng FBWC 2023, kasama sa mga pinlantsa sa pagpupulong ang crowd management, emergency response, traffic control, at pagpapatupad ng public health measures.
Binigyang-diin ni Dubria na nakapakahalaga ng solidong security strategy para maging maayos ang pagdaraos ng FIBA.
Pagkakataon kasi ito para maipamalas ang kakayahan ng bansa sa pagdaraos ng world class event.
Aabot sa 2,589 na pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 363 pulis mula Police Regional Office (PRO) 3, at 2,904 force multipliers sa iba’t ibang ahensya ang gagamitin sa pag-secure ng FIBA. | ulat ni Leo Sarne