Isa sa mga pinakamalaking bangko sa South Korea, nangako ng suporta sa mga proyekto ng DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta ang Export-Import Bank of Korea sa Department of Transportation o DOTr para pondohan ang iba’t ibang infrastructure project na makatutulong sa pagpapalago ng transportation landscape sa bansa.

Kahapon, nakipagpulong ang mga opisyal ng KEXIM sa DOTr para talakayin ang mga kasalukuyang proyektong pinpondohan nila gaya ng Dumaguete Airport Development Project.

Gayundin ang Maritime Safety Enhancement Project ng Philippine Coast Guard, New Cebu International Container Port Project at ang LRT-2 Cogeo Extention project sa Rizal.

Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, sakaling makumpleto ang mga naturang proyekto, tiyak nang makapaghahatid ito ng ginahawa sa mga pasahero.

Tiniyak din ni Bautista sa mga opisyal ng KEXIM na mahigpit nilang babantayan ang mga proyekto hanggang sa ganap na matapos ito habang hinihikayat din nilang pondohan pa nito ang mga nakapilang road transport project.

Nabatid na ika-4 ang Pilipinas sa mga pinakamalaking recipient ng Economic Development Cooperation Fund mula sa KEXIM para sa disaster response, climate change adaptation, transport, energy, water source at communication project na nagkakahalaga ng 1.5 milyong dolyar na concession loans. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us