Isa sa most primitive species ng honeybee, natuklasan sa Davao City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa 27th National Bee Net Conference and Techno Fora na inilunsad sa Davao City noong August 17-18, 2023, napag-alaman noon na sa main entrance door ng Hotel patungo sa isang kwarto kung saan ginanap ang Bee Net Conference, ay may nakitang maliliit
na species ng bubuyog na numumugad sa ornamental plant.

Ikinamangha iyon ng mga partipants ng Bee Net Conference na mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Suwerte masyado at napapanahon na ang uri ng bubuyog na Apis florea na unang nakita sa Palawan noong 1911, sa ikalawang pagkakataon ay nakita noong 1937. Ito ngayon ay natuklasan at nakita ng mga mata ng mga taga-Davao City, partikular noong 2-day Bee Net Conference sa Davao City. Ito ang inihayag ni Mr Epifanio C. Loyola, Bee Net President, Mindanao Chapter.

Ang Apis florea ay isa sa most primitive species ng honeybee. Natukoy rin ito bilang red dwarf honeybee, dahil sa reddish-brown na kulay ng kanilang tiyan. Mas maliliit sila kung ihambing sa ibang honeybees. At ang pinakamaliit na species na honeybees na may body length na nasa 7-10mm, at forewing na halos 6.8 mm.

Na-identify ito noong 18th century.

Ang Apis florea ay kakaiba dahil sa morphology, foraging behavior at defensive mechanisms nito. Importante ang honeybee bilang pollinators ng mga tanim, ayon kay Loyola.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us