Arestado ang isang lalaki sa paglabag sa R.A. 10591 o illegal possession of firearm and ammunition sa Brgy. Poblacion, Sitangkai, Tawi-Tawi.
Ito ay nangyari kaninang alas 11:30 ng tanghali, habang nagpapatupad ng COMELEC checkpoint ang 3rd MP Tawi-Tawi Provincial Mobile Force Company at Sitangkai Municipal Police Station personel.
Narekober ang 1 unit 1911 caliber 45 pistol may serial no. 451921PB, 2 piraso magazine, 7 piraso ammunition, 1 piraso sling bag kulay berde.
Matapos ang dokumentasyon, marking, at imbentaryo, dinala ang arestadong lalaki sa Sitangkai Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon at karampatang pagsasampa ng kaso.| ulat ni Laila Sharee T. Nami| RP1 Tawi-Tawi