Isang US fugitive, naaresto ng BI sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na wanted sa kanyang sariling bansa dahil sa military desertion.

Sa ulat ng BI, nahuli si Johnmark Katipunan Tandoc, 32 anyos sa kahabaan ng Roxas Boulevard nitong Agosto 7.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, si Tandoc ay sasailalim sa summary deportation order matapos matukoy siyang undesirable at undocumented alien.

Nauna nang iniulat ng US government sa BI na isang fugitive si Tandoc at may outstanding warrant of arrest dahil  sa military desertion na inisyu ng US Armed Forces, kung saan siya dati ay nagsilbi bilang specialist.

 Napag-alaman ding undocumented si Tandoc, dahil nag-expire na ang kanyang pasaporte.

Sinabi pa ni Tansingco, mananatili muna si Tandoc sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang pagpapatupad ng kanyang deportasyon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us