Kahit na maulan, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng sporting events ng Palarong Pambansa sa Lungsod ng Marikina ngayong araw.
Karamihan sa mga isasagawang sporting events ay nasa indoor tulad ng Archery, Arnis, Badminton, Basketball, Billards, Boxing, Volleyball, Wrestling, Wushu, Dance Sports, Artistic Rythmic Aerobic Gymnastic, Taekwondo, at Table Tennis.
Sa outdoor events naman na gaganapin din ngayong araw ay ang Athletics, Football, Futsal, Softball, Sepak Takraw, Tennis, Pencak Silat, at Sped.
Ito’y gaganapin sa iba’t ibang sporting venues ng Marikina City.
Sa ngayon ay nanatiling makulimlim ang panahon sa Lungsod ng Marikina. | ulat ni AJ Ignacio