Mainit na tinanggap ng bansang Japan ang bumibisitang delegasyon ng Pilipinas
sa pangunguna ni Finance Secretary Benjamin Diokno.
Winelcome ni Japan Prime Minister Kishida Fumio ang gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Japan – Philippines High Level Joint on Infrastructure Development and Economic Cooperation.
Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Japan, inihayag ng Punong Ministro na patuloy nilang susuportahan ang hangarin ng administrasyong Marcos Jr. na makamit ang ‘upper middle income status’.
Ayon pa sa mataas na opisyal ng Japan, mahalaga ang papel ng ‘High Level Joint Committee sa pag-abot ng target ng bansa.
Masaya din si Prime Minister Kishida sa patuloy na pagpapatibay ng relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng ‘high level exchanges’.
Nagpapasalamat naman si Sec. Diokno kay Prime Minister Kishida sa mga kontribusyon ng Japan sa infrastructure development ng bansa at umaasang lalo pang lalalim ang kooperasyon sa sa larangan ng ekonomiya. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes
📷: DOF