JICA, tumulong sa BOC para sa modernisasyon nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang makatanggap ang Bureau of Customs (BOC) ng suporta mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ito ay para maipatupad ang mga ongoing at future modernization projects ng customs.

Sa isang pulong ay malugod na tinanggap ng pamunuan ng customs si Katsu Shigeaki ng JICA.

Dito ay kinumpirma ni Shigeaki ang kahandaan ng JICA na suportahan ang customs sa pagpapatupad ng mga programa nito at inisyatiba.

Ayon sa customs, inaasahan na nila ang maibibigay na strategic technical assistance at capacity-building support nito para mas mapagbuti pa ang customs processes at good governance ng BOC.

Dagdag pa ng customs, sa pamamagitan ng pro-active sharing ng kanilang best practices, ang JICA ay epektibong magagabayan ang BOC na mas maging credible at ang re-establishment ng kinakailangang Customs Laboratory. | ulat ni Lorenz Tanjoco

📷: BOC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us