Joint air assault sa palawan, isinagawa sa “ALON 23” RP-Australia Military Exercise

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ngayong araw ng Joint Air Assault exercise ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Australian Defense Force (ADF) sa Punta Baja, Rizal, Palawan.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lieutenant Colonel Enrico Gil. Ileto, ito ang unang malakihang sabayang ehersisyo ng dalawang pwersa sa ilalim ng Indo-Pacific Endeavour (IPE) ng Australia.

Dito ay nagsagawa ng coordinated air, land at sea actions para i-simulate ang combat scenario ng pag-take-over sa Punta Baja Airfield, para makapagtatag ng forward arming and refueling point.

Kalahok sa ehersisyo ang 175 tropa ng AFP at dalawang platoon ng ADF, kasama ang suporta ng US Marine Corps (USMC) at Philippine Marine Corps (PMC).

Ginamit sa ehersisyo ang mga barkong pandigma ng Australia na HMAS Canberra at Anzac, at air support ng USMC MV-22B, at Royal Australian Air Force (RAAF) aircraft. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us