Iprinisinta ng Judiciary Department sa House Committee on Appropriations ang kanilang 2024 budget proposal na nagkakahalaga ng P57.79 billion.
Ang 2024 budget ay tumaas ng P2.89 billion kumpara sa 2023 bugdet na nasa P54.90 billion.
Hiniling din ni Court Administrator Raul Villanueva sa Appropriations Committee, na dagdagan ang kanilang budget para sa susunod na taon.
Sa kanilang original proposed budget sa Department of Budget and Management (DBM) ay nasa P71.91 billion, may variance na P14.1 billion sa nakapaloob sa 2024 National Expenditure Program.
Hiling ni Villanueva, ikonsidera ang P6.70 billion na dagdag budget para sa upgrading ng various position sa higher and lower court, at para sa personnel services ng Sandiganbayan, Court of Appeals, Court of Tax Appeals at Presidential Electoral Tribunal. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes