July inflation, bumagal sa 4.7%

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ika-anim na sunod na buwan ay muling naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbagal ng inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Sa ulat ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumagal sa 4.7% ang inflation nitong Hulyo na mas mababa sa 5.4% noong Hunyo at 6.4% noong Hulyo ng 2022.

Pasok pa ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 4.1% hanggang 4.9%.

Ang average inflation naman mula Enero hanggang Hulyo ay nasa antas na 6.8%.

Paliwanag ng PSA, nangungunang dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation ay ang mas mabagal na paggalaw sa singil sa kuryente at renta sa bahay at LPG.

Pangalawa sa nakaambag sa ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages na may 6.3% inflation partikular ang pagbaba ng presyo ng manok, tilapia, at puting asukal.

Nakaambag din ang pagbagal ng presyo ng transport na may -4.7% inflation dahil sa pagbaba ng pamasahe sa jeep, bus, at eroplano.

Samantala, pagdating sa overall inflation nitong Hunyo, ang pangunahing nag-ambag ay ang food and non-alcoholic beverages kabilang ang pagbaba ng presyo ng bigas, sibuyas, at itlog.

Napako naman sa 5.6% ang headline inflation sa National Capital Region (NCR) habang sa mga lugar sa labas ng Metro Manila, ang July inflation ay bumagal din sa antas na 4.4%. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us