Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Presidential Communications Office (PCO) at sa iba pang tanggapan ng pamahalaan, ang mga kabataang Pilipino sa paggulong ng Media and Information Literacy Campaign ng ng gobyerno.
Ito ayon sa Pangulo ay dahil ang mga kabataan ang pinaka-expose sa social media at sa internet kung saan kumakalat ang pekeng balita.
Kailangan aniyang mabigyan ng angkop na kakayahan o abilidad ang mga kabataan upang matulungan ang mga ito na masuri kung ano ang totoong impormasyon sa hindi.
“Everyone is entitled of their own opinion, but everyone also has a prerogative of being wrong. So, that is where the problem arises, because there must be a joke, it must be true I read it on the paper. And people would say don’t believe everything you read on the paper. We also hear the same thing now. It’s on the internet it must be true.” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.
Paalala ni Pangulong Marcos sa publiko, maging mapanuri at magsagawa ng research sa mga binabasa o pinapanood, lalo’t hindi aniya lahat ng nakikita o nababasa sa social media ay totoo o mapagkakatiwalaan. | ulat ni Racquel Bayan