Kabayanihan ni Datu Lapulapu, sinariwa ni VP Sara Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang pugay ni Vice President Sara Z. Duterte ang kabayanihan ni Datu Lapulapu sa isinagawang National Heroes Day Celebration sa Liberty Shrine, Mactan Lapulapu City, Cebu ngayong araw, Agosto 28.

Ang Bise Presidente ang naging panauhing pandangal sa isinagawang programa para sa paggunita sa Araw ng mga Bayani sa Lapu-Lapu City.

Ayon sa Bise Presidente, ngayong araw ay isa na namang oportunidad na muling maipagmalaki ang katapangan at pagmamahal sa bayan na ipinakita ni Datu Lapulapu noong taong 1521.

Makahulugan rin aniya ang selebrasyon ngayong araw sa Mactan, Lapu-Lapu City dahil doon mismo nangyari ang pagpapamalas ng kabayanihan ni Lapulapu sa ngayaring battle of Mactan o pakikipaglaban sa mga mananakop na Espanyol.

Aniya, ang katapangan ni Lapulapu noong 1521 ay siyang indikasyon ng katapangan ng mga bayaning nagsimula ng Philippine Revolution taong 1896.

Umaasa naman ang Pangalawang Pangulo na mgasilbing inspirasyon ang mga nagawa nina Datu Lapulapu at lahat ng mga bayani ng bansa para sa mga bagong henerasyon na magkaroon rin ng pagmamahal sa bayan at maisabuhay ang legasiyang naiwan ng mga bayani. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us