Kahalagahan ng pagbaba ng national government powers sa LGUs, magpapatatag sa bansa; Inisyal na hakbang tungo sa isang federal government, ginagawa na ng pamahalaan – Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginagawa na ng pamahalaan ang inisyal na hakbang tungo sa isang pederal na sistema ng gobyerno.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panunumpa ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa Malacañnag, ngayong araw (August 24).

Sa kaganapan, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagkakaroon ng ideyolohiya ng isang partido.

Lalo’t ayon sa Pangulo, magri-reflect ito sa kalidad ng serbisyong maibibigay nila sa mga Pilipino.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Pangulong Marcos Jr. ang kagandahan ng konsepto ng federalismo kasabay ng pagsasaad ng suporta dito.

“We are attempting to transform the government, to transform the bureaucracy, to transform even the thinking of ordinary Filipino citizens and our politicians. Ibahin natin ang pag-iisip para naman ay makaramdam naman ‘yung ating mga kababayan ng pagbabago na talagang ang pamahalaan ay nandiyan para tulungan sila,” —Pangulong Marcos.

Magiging mas matatag aniya ang political structure kung ibababa at ikakalat ang discretion, kapangyarihan at functions ng pamahalaan.

“With the power centers being given to the local governments, to the legislative districts, and to those who are operating at the local level, and thereby bringing those power centers to many, many, many places, it makes for a more stable political structure and makes a more stable political life,” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us