Kahalagahan ng rainwater harvesting facility, binigyang diin ni Senador Revilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Senate Committee on Public Works Chairman Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang kahalagahan ng rainwater harvesting bilang isang epektibong solusyon sa problema sa pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ngayong araw, tinalakay ng kumite ni Revilla ang iba’t ibang mga panukala na nagsusulong ng pagtatatag, pangangasiwa, maintenance at regulasyon ng isang rainwater harvesting facility sa lahat ng mga bagong institutional, commercial, industrial at residential development projects.

Pinaliwanag ni Revilla na ang rainwater harvesting facility ay makakatulong na madagdagan ang suplay ng tubig sa maraming lugar.

Magsisilbi rin aniya itong temporary catchment para maiwasang magdulot ng pagbaha ang mga tubig na ibinubihos ng ulan.

Giniit ng senador na napapanahon na ang pagkakaroon ng mga ganitong pasilidad lalo’t nakita sa mga nakaraang buwan ang kakaiba nang lakas ng ulan na dulot ng climate change.

Tinalakay rin sa pagdinig ang iba pang local bills na layong bumuo ng iba’t ibang district engineering offices.

Sinabi ni Revilla na sa pagbuo ng mga bagong engineering offices sa mas maraming distrito ay mapapalapit ang sebisyo ng pamahalaan sa taumbayan.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us