Titiyakin ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza III ang kahandaan ng mga pasilidad ng LTO sa distribusyon ng natitirang unclaimed license plates.
Pahayag ito ni Mendoza, matapos magsagawa ng inspeksyon sa Cebu kung saan nasa 670,000 pang unclaimed license plates ang nananatili pa rin doon.
Nais ng LTO na magpatupad ng episyenteng sistema para sa pamamahagi ng mga plaka.
Kung nakalatag aniya ng maayos ang sistema, mawawala na ang mga fixer na nagpoproseso ng mga plaka gayundin ng license cards.
Plano din ng LTO na makipagtulungan sa iba pang grupo at stakeholders para lang mapabilis ang release ng license plates sa mga may-ari nito.
Una nang sinabi ni Mendoza, na target ng LTO na tapusin ang pamamahagi ng unclaimed license plates sa Setyembre ngayong taon. | ulat ni Rey Ferrer