Kamara, nahanapan na ng solusyon ang pagpopondo para sa MUP pension reform program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na nakahanap na sila ng solusyon para pondohan ang panukalang MUP pension reform program.

Matapos ang tatlong oras na pulong kasama ang House economic team at leadership ay nakapaglatag na aniya ng paraan kung paano matitiyak na mapondohan ang MUP pension at makapagpapatupad ng taas sahod sa kanilang hanay.

“I am happy to report that we have reached a consensus after a three-hour meeting. We all agreed on a solution that we, believe, will be beneficial to all stakeholders in the MUP pension program Ang sinigurado namin, mababayaran ang lahat ng pension ng ating mga sundalo at uniformed personnel. Lahat ng ahensiya ng gobyerno at kami dito sa Kongreso ay magtutulungan para masigurado ito,” pagtiyak ni Speaker Romualdez.

Kasabay nito ay bumo na rin ng isang ad hoc committee na tatalakay sa panukala.

Pamumunuan ito ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na siya ring nagsulong ng ‘win-win’ solution para maipatupad ang MUP pension reform.

Ilan sa inilatag na solusyon ni Salceda ang pagkakaroon ng 3% na guaranteed annual increase sa sweldo ng MUP; Pananatili ng indexation ng MUP pensions; pagbuo ng MUP Trust Fund at pagpapatupag ng staggered contribution.

Ang naturang kontribusyon ay mahahati sa

  • 5% personnel, 16% NG sa unang tatlong taon
  • 7% personnel, 14% NG sa susunod na tatalong taon
  • 9% personnel, 12% NG sa ikapitong at sa susunod na mga taon

“It guarantees three things: Sure salary increase. Sure indexation of pensions. And sure funding for the pension system…This solution also enables a salary increase for the MUP since we can control its fiscal consequences on the pension system.’ sabi ng Albay solon.

Malaki naman ang pasasalamat ni Salceda kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. at Speaker Romualdez sa pagtitiwala na pamunuan ang ad hoc committee.

Naniniwala din si Salceda na ang administrasyon ni PBBM ang makaka resolba sa matagal nang isyu ng pensyon ng MUP.

“President Marcos has already helped address the problem by being very responsible about any salary increase for the MUP, before a viable pension system is in place. And with this reform, his government will solve the pension problem for decades to come.” dagdag ni Salceda| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us