Kampanya kontra krimen sa LGU Bayambang, hinigpitan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pulisya sa bayan ng Bayambang, Pangasinan sa kanilang pagbabantay para sa kaayusan at seguridad sa kanilang nasasakupan.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa nila ng information dissemination sa bawat lugar sa bayan kasabay na rin ng kanilang pamamahagi ng flyers sa binibisitang luigar.

Ibinabahagi nila ang ukol sa kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga, sugal at iba pang krimen.

Ang nasabing hakbang ay bahagi pa rin sa isinusulong na kaayusan at kapayapaan sa bayan kasama na rin ang pagbibigay ng iba’t ibang tips kung paano maiwasang maging biktima ng scam at budol-budol gang.

Ibinabahagi na rin sa mga tao ang mga PNP hotline numbers na maari nilang matawagan sa panahon ng emergency. | via Sarah Cayabyab | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us