Desidido ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tuldukan ang lumalaking kaso ng child labor sa bansa.
Dahil dito, nakatuon ngayon ang DOLE sa mga programa laban sa child labor.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, pagkakalooban ng tulong medical, legal, at counseling ang mga masasagip na biktima ng child labor.
Base sa batas, ang child labor ay trabaho o aktibidad na ipinagagawa sa bata na maituturing na pagsasamantala o makapipinsala sa kalusugan at kaligtasang pisikal at mental at makakaapekto sa psychosocial na pag-unlad ng isang bata.
Itutuloy din nila ang pagbisita sa mga batang natukoy na nasa child labor upang magawa ang mga kailangang tulong.
Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) kahapon, bumaba sa 828,000 kabataang ang nasangkot sa child labor noong 2022 kumpara sa 935,000 noong 2021. | ulat ni Michael Rogas