Karagdagang Migrants Workers Office sa mga Philippine Post abroad, bubuksan ngayong taon — DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinalita ni Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Hans Leo Cacdac sa House Committee on Overseas Workers Affairs, na apat na Migrants Workers Office (MWO) ang kanilang bubuksan hanggang matapos ang taon.

Sa ilalim kasi ng batas, kailangan magtalaga ng mga MWO sa mga Philippine post gaya ng embahada at consular offices.

Ang MWO sa mga country destination ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ay malaking tulong upang matugunan ang mga problema o existing gaps ng government system, at maprotektahan ang kapakanan ng OFWs.

Ayon kay Usec. Cacdac, base sa pulong nila DMW Secretary Toots Ople at Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, kabilang sa mga bubuksan na MWO ngayong taon ay sa Guam, Bangkok, Hungary at Afirca habang siyam na iba pa sa 2024.

Sa ngayon aniya, ay pinag-aaralan pa nila ang mga bansa na marami ang OFWs, bilang prayoridad sa paglalagay ng DMW office.

Samantala, nanawagan naman si DFA Assistant Secretary Paul Cortes sa mga mambabatas…  na kaakibat ng pagtatalaga ng MWOs sa iba’t ibang Philippine Post ay ang pangangailangan ng karagdagang budget. | ulat ni Melany-Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us