Kasalang bayan ng Tribong Obu Manuvu, isinagawa sa Cotabato

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinasal ang 42 na pares mula sa tribong Obu Manuvu sa bayan ng Magpet, Cotabato nitong August 12, 2023 sa pamamagitan ng isang seremonya na naaayon sa kanilang kultura at tradisyon sa isinagawang Kasalang Bayan o tinatawag na Kosalan To Banowa sa kanilang dayalekto.

Pinangasiwaan ang nasabing aktibidad ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Magpet sa pangunguna ng Local Civil Registrar’s Office.

Ayon kay Chona Provida head ng LCR Magpet, layon ng nasabing aktibidad na handugan ng libreng kasal ang mga IP’s at gawing legal ang kanilang pagsasama.

Makakatulong din aniya ito sa kanilang mga anak na magkaroon ng maayos na dokumento lalo na sa kanilang pag-aaral.

Libre ang nasabing kasal, kabilang dito ang pagproseso ng Cenomar, birth certificate habang nakatanggap naman ng libreng singsing, tribal accessories, cake at cash ang bawat pares.

Maliban sa mga IP, 18 pares din mula sa iba’t ibang barangay na non-IP ang ikinasal.| ulat ni Macel Mamon Dasalla| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us