Tuloy na ang pagsasagawa ng kauna-unahang mall voting kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), na gagawin sa darating na Oktubre 30.
Subalit ayon sa Commission on Elections (COMELEC), lilimitahan muna ito sa 16 na presinto kung saan, 14 sa Metro Manila hbang tig isa naman sa Legazpi City sa Albay at sa Cebu.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, magsisilbi itong pilot testing para sa plano nilang magsagawa ng mall voting para sa 2025 MidTerm elections.
Dagdag pa ni Garcia, kumpara kasi sa regular na polling centers na ginagawa sa mga paaralan, di hamak namang mas kumportable ang pagdaraos ng halalan sa mga mall.
Pagtitiyak pa ng poll body, magkakasa rin sila ng konsultasyon sa mga barangay para tiyaking pabor dito ang mga ilalagay na presinto.
Wala ring gagastusin ang COMELEC para sa mall voting, dahil ang mga mall operator na ang sasagot nito. | ulat ni Jaymark Dagala