Kawalan ng quorum ng NPCC, dahilan kaya’t hindi agad nakapag-rekomenda ng price-freeze sa presyo ng sibuyas noong 2022

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahihiyang inamin ng head ng secretariat ng National Price Coordinating Council na bigo ang konseho na makapagrekomenda sana ng price freeze sa presyo ng sibuyas noong pumalo ang bentahan nito sa P700 noong nakaraang taon.

Sa imbestigasyon ng House Committee on Agriculture and Food tungkol sa manipulasyon sa suplay at presyo ng sibuyas, nausisa ni Pasig Rep. Roman Romulo kung bakit hindi agad nagrekomenda ng hakbang ang NPCC para sana nahinto ang pagsipa ng presyo ng sibuyas.

Tugon ni DTI Consumer Protection & Advocacy Bureau Dir. Atty. Melquiades Marcus Valdez, na siya ring head ng NPCC secretariat makailang ulit silang nagpatawag ng pulong noon, ngunit hindi dumalo ang kinatawan ng mga ahensyang bahagi ng konseho.

Mayroon din aniya silang record bilang patunay sa ipinatawag nilang mga pulong.

Bahagi ng kapangyarihan ng NPCC na irekomenda sa pangulo ang pagkakaroon ng state of emergency para makapagpatupad ng price freeze, price ceiling o price control.

Ngunit dahil sa kawalan ng quorum ay walang naging ganitong hakbang.

Bahagi ng NPCC ang DTI, DA, DOH, DENR, DILG, DOTr, DOJ, NEDA, at kinatawan mula sa consumer, agriculture producer, trading at manufacturer sector. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us