Klase sa 448 paaralan, suspendido dahil sa sama ng panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling suspendido ang pasok sa 448 eskwelahan sa ilang rehiyon sa bansa ngayong araw dahil pa rin sa nararanasang pag-ulan at baha dulot ng habagat.

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, ang class suspensions ay sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5, 6, 8, Cordillera Administrative Region, at National Capital Region.

Samantala, iniulat din ng NDRRMC na nasa 355 na tanggapan ng pamahalan ang nagsuspende din ng pasok sa trabaho.

Ang suspensyon ng pasok sa eskwelahan at trabaho ay bunsod ng naranasang malakas na ulan at pagbaha dulot nang nagdaang bagyong Egay at habagat kung saan ang mga paaralan din ang pansamantalang tinutuluyan ng mga nagsilikas na bakwit.

Sa ngayon, nasa 781,728 na pamilya o katumbas ng mahigit 2.9 milyong katao ang apektado mula sa 4,848 na barangay sa mga nabanggit na rehiyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us