Nag-anunsyo na ng suspensyon sa klase ang pamahalaang lungsod ng Navotas at ng Malabon dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.
Sa abiso ng Navotas LGU, kanselado ang mga klase ngayong araw, August 31, 2023, sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa buong lungsod.
Ito ay batay pa rin sa rekomendasyon ng Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) bunsod ng habagat na pinalalakas ng bagyong Goring at Hanna.
Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod ng Malabon dahil sa habagat, high tide, at pagbaha sa mga pangunahing kalsada.
Maging ang Lungsod ng Caloocan, nag-anunsyo na rin ng class suspension sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan ngayong Huwebes batay sa rekomendasyon ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Samantala, sa Valenzuela, baha na rin ang ilang pangunahing kalsada dahil sa mga pag-ulan.
Kabilang dito ang bahagi ng:
- MAC ARTHUR HIGHWAY
Passable to All Types of Vehicles (PATV);
- Platinum Fireworks Dalandanan (1-2 inches)
- Wilcon, Dalandanan (1-2 inches
- Foot Bridge, Dalandanan (5-6 inches)
- Corner T. Santiago Cuevas, Dalandanan (5-6 inches)
- MAYSAN TO BAGBAGUIN ROAD
No monitored flooded areas - OTHER AREAS
- Corner MH Del Pilar St. Arkong Bato (3-4 inches)
- Bypass, Veinte Reales (1-2 inches). | ulat ni Merry Ann Bastasa