Opisyal nang inanunsyo ng Department of Education o DepEd ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.
Batay sa abiso, magsisimula ang klase sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2023 – 2024 sa August 29, 2023.
Habang ang mga pribadong paaralan naman ang maaaring magbukas ng klase simula sa unang Lunes ng Hunyo ngunit hindi maaaring lumagpas ng Agosto alinsunod sa Republic Act 11480.
Tinatayang 28.4 milyon na mga mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampubliko at pribadong paaralan noong nakaraang academic year.
Nitong Mayo sinimulan ng DepEd ang registration para naman sa mga incoming Kindergarten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11 students sa mga pampublikong paaralan sa bansa para sa School Year 2023 – 2024.
Ang education sector ay pinaglaanan ng P924.7 billion o 16% ng National Expenditure Program para sa 2024, bilang minamandato ng konstitusyon na mabigyan ng prayoridad ang naturang sektor. | ulat ni Diane Lear