Klase sa Valenzuela at QC, suspendido na rin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala nang pasok ang mga estudyante sa Valenzuela City at Quezon City dahil sa malalakas na pag-ulang dulot ng habagat na pinalalakas ng bagyong Goring.

Sa abiso ng Valenzuela LGU, suspendido na ang klase (in-person at online) sa lahat ng lebel sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod kasunod ng itinaas na Orange Rainfall Warning sa Metro Manila.

Kaugnay nito, nag-deploy na rin ang Valenzuela LGU ng Libreng Sakay truck sa G. Lazaro, Brgy. Dalandanan para sa mga pasaherong inabutan ng baha.

Wala na ring pasok mula Pre-school hanggang Grade 12 sa Quezon City matapos itaas ang Orange Rainfall Warning sa Metro Manila.

Base sa Memorandum Circular No. 10-A series of 2022 na alinsunod sa DepEd Order No. 037 series of 2022, awtomatikong suspendido ang klase (in-person at online) at trabaho sa mga pampublikong paaralan mula Kindergarten hanggang Grade 12, at Alternative Learning System, kung may nakataas na Orange at Red Rainfall Warning.

Kaugnay nito, ilang kalsada sa QC ang lubog na sa baha kabilang ang bahagi ng Sto. Domingo Street corner Maria Clara, sa QC na lagpas gutter ang baha.

Iniiwasan na rin ng mga sasakyan ang bahagi ng Biak na Bato corner Calamba Street pati ang Banawe corner Retiro Street dahil sa lagpas tuhod na ang baha. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us