Konstruksyon ng EDCA sites, kailangan bilisan – DND Sec. Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kailangang makumpleto agad ang mga pasilidad sa mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa, para maging fully-operational na ang mga ito sa pagsasagawa ng humanitarian and disaster relief operations.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa kanyang pagbisita ngayong araw sa La-lo airbase sa Cagayan, na isa sa mga base militar ng Pilipinas na pagtatayuan ng mga pasilidad ng mga Amerikano alinsunod sa EDCA.

Dito ay sinaksihan ni Sec. Teodoro ang ongoing relief operations na isinasagawa ng US military at AFP sa paghahatid ng relief supplies sa Batanes at Calayan island sa Northern Luzon.

Pinuna ni Teodoro ang pagkarga ng aviation fuel sa mga eroplano gamit ang mga dram dahil hindi pa kumpleto ang pasilidad sa lugar.

Sinabi rin ng kalihim, na hindi pa maaaring permanenteng mag-istasyon ng mga eroplano sa lugar dahil wala pang mga pasilidad para sa proteksyon ng mga ito.

Dahil dito, sinabi ng kalihim na kailangang mapabilis ang development sa limang orihinal na EDCA sites at sa apat na karagdagang site para narin sa pambansang seguridad. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us