Kontrata sa reclamation projects sa Manila Bay, mainam na suriin — DOJ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napapahon na ayon sa Department of Justice o DOJ upang repasuhin ang kontrata sa mga proyekto sa ilalim ng Manila Bay reclamation.

Ito ang inihayag ni DOJ Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang kaniyang legal na opinyon sa usapin dahil marami ang tiyak na maaapektuhan dito.

Paliwanag ng Kalihim, kung siya ang tatanungin, dapat muling bisitahin at silipin ang mga kontrata lalo’t matagal nang problema ng Metro Manila ang pagbaha tuwing may kalamidad.

Partikular na nais niyang mabusisi rito ani Remulla ay ang mga kontratang pinasok ng mga LGU at ng Philippine Reclamation Authority o PRA.

Kaya naman sinabi rin ng Kalihim na nais din niyang makausap si DENR Sec. Ma. Antonia Yulo – Loyzaga para alamin kung nasusunod pa ba ng reclamation projects ang mga panuntunan at umiiral na batas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us