Kooperasyon ng Makati, hiningi ng Comelec at Taguig sa pag-turnover ng mga botante mula sa 10 EMBO barangays

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng pagkilala ng Commission on Elections (Comelec) sa 10 EMBO barangays bilang bahagi na ng Taguig, umapela ang komisyon at ang Taguig LGU ng kooperasyon mula sa Makati City.

Tiniyak ng Comelec na walang uusbong na tensyon sa kanilang gagawing turnover at sa mismong eleksyon dahil mayroon silang nakalatag na procedural steps na susundin ng iba’t ibang departamento.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ay gagawin sa Taguig Convention Hall simula August 28 hanggang September 2 habang ang mga botante mula sa 10 Embo barangays ay hindi na kailangan na maparehistro muli para sa October Barangay at Sanggunian Kabataan Election (BSKE).

Ayon kay Garcia kanilang hihingin sa Makati na magamit ang mga paaralan na maging polling stations.

Aatasan naman ang Office of the Election Officer ng Makati at Taguig na maghanda ng bagong listahan ng mga presinto at bagong listahan ng qualified electoral boards.

Sa panig ng Taguig ay nagpasalamat ito sa Comelec sa naging tamang aksyon nito sa kautusan ng Korte Suprema. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us