Pinag-iingat ni House Speaker Martin Romualdez ang mga indibidwal at grupo na patuloy na mangho-hoard ng suplay ng bigas.
Ayon sa lider ng Kamara, ang hoarding, profiteering, at kartel ay maituturing na economic sabotage na isang non-bailable na kaso.
Para sa mambabatas, patuloy silang magbabantay at mag-iikot sa mga imbakan ng bigas para tiyakain na walang nagtatago ng suplay na siyang dahilan ng pagkakaroon ng artipisyal na taas-presyo sa merkado.
Tulad ng atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BOC) na paigtingin ang pag-ikot sa mga warehouse ng bigas, hiniling ni Romualdez sa BOC na hulihin ang mga smugglers at hoarders at sampahan ng kaso para magtanda.
“Kaya ang panawagan natin sa BOC, pag-ibayuhin pa ang pagsisikap na mahuli itong smugglers at hoarders na ito. I believe that by sending them to jail, we will send a clear message to other hoarders to stop what they are doing under pain and penalty of jail time,” ani Romualdez.
Miyerkules ay muling nag-ikot ang Customs kasama ang ilang mambabatas sa Balagtas, Bulacan bilang bahagi ng fact-finding mission upang alamin ang sitwasyon ng suplay ng bigas sa bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes