La Union, zero case sa ASF sa nakaraang 6 buwan; DA, nakaalerto pa rin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Department of Agriculture-Regional Field Office (DA-RFO) 1 na Zero Case ang La Union sa African Swine Fever (ASF) sa nakaraang anim na buwan.

Ayon kay Dr. Allen Mae Doctolero mula sa Regulatory Division ng DA-RFO1, walang naitalang kaso ng ASF sa mga bayan ng La Union mula Pebrero hanggang Hulyo ng taong kasalukuyan.

Maaalalang noong Enero 2023 ay mayroong 11 na alagang baboy ang namatay habang siyam ang isinailalim sa culling dahil sa ASF sa bayan ng Santol.

Mabilis na nagsagawa ang DA-RFO 1 ng depopulation, surveillance activities at recovery and rehabilitation kaya hindi kumalat ang ASF sa iba pang lugar sa lalawigan.

Sa kabila ng pagiging Zero Case ng La Union sa ASF, nakaalerto pa rin ang DA at nagpapatuloy ang imbestigasyon nito sa naturang sakit ng mga baboy.

Sa ngayon, nasa ilalim ng Yellow Zone ang lahat ng bayan sa La Union para tuloy-tuloy na malabanan ang ASF kahit walang naitalang kaso sa mga nakaraang buwan.| ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us