Labi ni DMW Sec. Ople, dadalhin sa DMW Office sa Mandaluyong ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos ang isinagawang necrological services sa Malacanang para kay Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople.

Nakatakdang naman dalhin ang labi ng kalihim sa Department of Migrant Workers Office sa Ople Building, EDSA corner Ortigas Avenue, Mandaluyong City mamayang alas-5 ng hapon.

Batay sa inilabas na wake schedule ng DMW, magkakaroon ng isang Parangal at Pagpupugay para kay Ople mamayang alas-7 ng gabi.

Ito ay dadaluhan ng mga opisyal ng DMW, pamilya, mga kaibigan ni Ople, pati na OFW groups, recruitment agencies, civil society, at NGOs.

Matapos nito ay magkakaroon din ng Overnight Night Vigil para sa yumaong kalihim simula alas-12 ng madaling araw hanggang alas-7 ng umaga bukas.

At ilan pang aktibidad ang isasagawa bukas gaya ng huling misa at public viewieng bago ibalik ng ala-1 ng hapon sa Heritage Memorial Park sa Taguig City ang labi ni Ople para sa cremation at inurnment. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us