Labi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, dumating na sa DMW Office

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating na ang labi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople sa Department of Migrant Workers (DMW) office sa Ople Building sa Ortigas Avenue sa Mandaluyong City ngayong gabi.

Kasalukuyang isinasagawa ang Gabi ng Parangal at Pagpupugay para sa yumaong kalihim.

Ito ay dinadaluhan ng pamilya, mga kaibigan, mga opisyal ng DMW, recruitment agencies, OFW groups, civil society, at NGOs na nagbigay ng kanilang mensahe at pagpupugay para kay Ople.

Present din dito ngayong gabi sina Kabayan Party-list Representative Ron Salo at si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na nag-alay ng kanta para sa yumaong kalihim.

Inaalala ng mga kaibigan at kasama sa trabaho ang mga nagawa ni Ople para sa karapatan ng mga overseas Filipino worker.

Matapos ang Gabi ng Parangal ay magkakaroon ng Overnight Vigil na tatagal hanggang bukas ng alas-7 ng umaga.

Bukas naman isasagawa ang requiem mass ng alas-9 ng umaga na pangungunahan ni Father Jerry Orbos, at simula alas-10 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon magkakaroon ng public viewing.

Matapos ito dadalhin na pabalik sa Heritage Memorial Park sa Taguig City ang labi ni Ople para sa cremation at inurnment.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us