Lalaking tumalon sa riles ng LRT 1, ligtas na ang kondisyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa stable na ang kondisyon sa isang ospital ang 26 taong gulang na pasaherong lalaki na tumalon sa riles ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 Blumentritt Station kaninang umaga.

Ayon kay Department of Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, nagkaroon ito ng gasgas sa ulo at naputol ang kaliwang paa.

Batay sa ulat, pasado alas-6:00 kaninang umaga nang bigla na lang tumalon sa Southbound tracks ng LRT ang pasahero sa aktong paparating ang tren.

 Nagawa naman agad ng operator ng tren ang emergency brake nang tumalon ang pasahero sa riles.

 Dahil sa insidente, ipinatupad ang provisional service mula Baclaran hanggang Central Station.

Agad din namang nailigtas ng mga first responder ang pasahero mula sa ilalim ng tren na may malay.

Ibinalik ang buong operasyon ng LRT bago ang alas-7:00 na ng umaga. Samantala, isinailalim na rin sa X-ray ang lalaking biktima. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us