Nagsimula nang bumaba ang imbak ng tubig sa Angat Dam.
Sa datos ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-6 ng umaga ay bahagya nang nabawasan at bumaba sa 199.91 meters ang lebel tubig sa Angat Dam.
Gayunman, malayo layo pa ito sa minimum operating level ng Angat Dam na 180 meters.
Nabawasan rin maging ang imbak na tubig sa Ipo Dam na nasa 100.53 meters ngayong araw.
Bukod sa Angat at Ipo Dam, bumaba rin ang lebel ng tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, Magat, at Caliraya Dam.
Samantala, patuloy pa rin namang nagpapakawala ng tubig sa ngayon ang Ambuklao at Binga Dam na may tig-isang gate ang nakabukas. | ulat ni Merry Ann Bastasa