Tuloy-tuloy ang inihandang programa ng Department of Science and Technology (DOST) kaugnay sa inilunsad nitong Handa Pilipinas: Innovations in Disaster Risk Reduction and Management Exposition 2023 ngayong Hulyo.
Inaanyayahan ng DOST ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno na makilahok sa nakatakdang Handa Pilipinas na naka-schedule ngayong taon.
Sa darating na September 14-16, maaaring lumahok sa Enhancing Resilience and Sustainability for Mindanao na gaganapin sa Cagayan de Oro City, at Super Typhoon Yolanda Remembered: Understanding Risks and Preventing Future Disasters sa November 8-10 na gaganapin naman sa Tacloban City, Leyte.
Layon ng programa na maipabatid sa publiko ang pagiging maalam at alerto sa wastong pagbibigay impormasyon tuwing mayroong kalamidad.
Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga LGU na mailatag ang kani-kanilang paghahanda sa pagresponde sa mga kalamidad na kinakaharap ng Pilipinas kada taon. | ulat ni Mary Rose Rocero