Tuluyan nang tinanggalan ng lisensya para magmay-ari at makapagdala ng armas ang driver sa viral video na nanakit at nanutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City kamakailan.
Ito ang kinumpirma ngayon ni Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG) Director, Police Brig. Gen. Benjamin Silo Jr.
Ayon kay Silo, maliban sa License To Own and Possess Firearm (LTOPF), kanselado na din ang Firearm Registration at Permit To Carry Firearms Outside Residence ni Wilfredo Gonzales.
Binigyang-diin ni Silo na pangunahin sa kanilang pamantayan ang pagiging responsable sa paggamit ng baril.
Hindi aniya karapatan ang paghawak ng baril kundi isang pribilehiyo kaya’t magpapatuloy aniya sila sa ginagawang pagpapanatili ng integridad ng kanilang licensure system. | ulat ni Jaymark Dagala