Limang pulis sa Rodriguez Rizal, sinibak sa pwesto kaugnay sa kasong pagpatay sa isang binatilyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinibak na sa kanilang pwesto ang limang pulis na nakatalaga sa Community Police Assistance Center (COMPAC) sa Rodriguez Rizal.

May kaugnayan ito sa kasong pamamaril ng kapwa nila pulis sa isang binatilyo noong linggo.

Ayon kay Rodriguez Rizal Police Chief PLtCol. Ruben Piquero, kasalukuyan nang naka-hold ang limang pulis sa kanilang istasyon habang gumugulong ang imbestigasyon.

Ang suspect na pulis na si PCorporal Arnulfo Sabillo ang nakabaril at nakapatay sa 15 taong gulang na si John Francis Ompad .

Bago ang insidente hinabol ng mga pulis ang kapatid ng biktima na tumakas matapos sitahinhabang nakamotorsiklo.

Depensa naman ng kapatid nito, natakot sya kay Sabillo dahil hindi ito naka uniporme at tila nakainom pa ng alak.

Nakakulong na ang pulis at nahaharap sa kasong homicide.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us