Limitadong operasyon ng LRT-1 mula Gil Puyat hanggang FPJ Station, magtatagal pa ng tatlong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magtatagal pa ng tatlong araw ang limitadong operasyon ng LRT Line 1 mula Gil Puyat hanggang FPJ Station ayon sa Light Rail Manila Corporation.

Sa pinakahuling update ng LRMC kaninang 5:30 ng hapon, sinabi nito na kinailangan ng kanilang Engineering Team na magsagawa ng karagdagang trackwork sa susunod na tatlong araw upang tiyaking nanatiling ligtas para sa mga pasahero ang nasabing linya.

Ito ay matapos silang magsagawa ng masusing assessment at inisyal na corrective works upang tugunan ang mechanical problem na naranasan ng isa sa kanilang Gen-2 trainset sa pagitan ng EDSA at Baclaran Station.

Habang nagpapatuloy ang nasabing trackworks ay patuloy nilang ipapatupad ang limitadong operasyon sa linya. Tiniyak nila na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya na ayusin ang problema at makabalik sa normal ang operasyon ng linya.

Pinayuhan rin nila ang kanilang mga pasahero na pagplanuhan na ang kanilang magiging biyahe. Humingi naman ng paumanhin at pang-unawa ang LRMC sa publiko dahil sa abalang naidulot ng insidente. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us