Pinag-aaralan ng lokal na pamahalahan ng Iligan City ang kultura ng seguridad sa Davao kamakailan upang ito’y magabayan ang programa ng seguridad at kapayapaan sa lungsod ng Iligan.
Pinangungunahan ng butihing alkalde ng lungsod, Mayor Frederick W. Siao, ang pagbisita ng LGU Iligan sa Central Communications and Emergency Response Center sa Davao para makita ang mga epektibong pamamaraan ng lungsod sa pagpapanatiling ligtas ang mga residente sa iba’t ibang lugar.
Minimithi ni Mayor Siao na masundan ang sistema ng Davao para sa lahat ng sulok ng Iligan City. Ito’y napapanohon rin dahil sa paghuhulma ng Task Force Iligan.
Ayon kay City Administrator, Dr. Darwin Manubag, kabilang sa mga sinusulong ng alkalde ng lungsod ay ang kooperasyon at koordinasyon ng publiko. Ito’y mahalaga upang magkaroon ng epektibong sistema para sa seguridad ng bawat Iliganon.| ulat ni Alwidad Basher| RP1 Iligan