Binago na ang pangalan ng Roosevelt Station ng Light Rail Transit (LRT) 1 sa Quezon City.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation, magiging Fernando Poe Jr. Station na ang Roosevelt Station simula ngayong araw.
Ipinangalan ito sa yumaong National Artist kasabay ng kanyang kaarawan ngayong araw, Agosto 20 2023.
Ipinatupad ito alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11608 na nilagdaan noong December 2020.
Ang event ay dinaluhan nina DOTr Secretary Jaime Bautista, Sen. Grace Poe, Sen. Lito Lapid, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, LRMC President at CEO Juan Alfonso, DOTr at LRTA officials. | ulat ni Rey Ferrer