Ipinatupad na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang fare adjustment ngayong araw sa LRT Lines 1 at 2 ngayong araw.
Ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera, ang naturang fare increase ay gagamitin sa pagsasaayos ng maintenance ng mga bagon ng tren at pagre-rehabilitate sa iba pang mga pasilidad ng naturang mga revenue line.
Kung matatandaan aniya na nasa 18 tren ang total train assests ng LRT Line 2 at nasa 10 lamang ang kasalukyang nag-o-operate.
Kaya naman malaking tulong ang fare adjustment sa pagbili ng mga piyesa ng walong bagon ng tren na kasalukuang hindi gumagana.
Aabot sa ₱114-milion ang karagdagang revenue ang madadagdag sa kita ng LRTA kung saan ₱110-million dito ay gagamitin sa operational at maintenance expenses at repair ng LRT Line 2.
May plano din na extension ang LRT Line 2 mula Recto hangang Pier 4 at sa southbound naman mula Antipolo Station hanggang Cogeo. | ulat ni AJ Ignacio