Nag-organisa ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority o LRTA ng specialized review sessions para sa mga kawani nito na kukuha ng Civil Service Examination – Paper and Pencil Test sa August 20, 2023.
Layon nitong maihanda at mabigyan ng tips at test-taking strategies ang mga kawani ng LRTA, upang maipasa ang Civil Service Exam.
Kabilang sa mga aktibidad sa review sessions, ang pagsasagawa ng mock examination kung saan masusubukan ang kanilang kakayahan at kahandaan sa pagsusulit.
Sa tulong ng mock exam, matutukoy ng mga Civil Service Exam candidate ang mga area na kailangan pang pagtuunan ng atensyon upang mas lalong mapaghandaan ang aktwal na pagsusulit.
Nakipagtulungan naman ang LRTA sa Central Colleges of the Philippines para sa review sessions.
Ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera, mahalaga ang naturang inisyatibo para maisulong ang growth at excellence sa mga kawani ng LRTA. | ulat ni Diane Lear