LTO, binalaan ang publiko laban sa mga nagpapanggap na liaison officers ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ni Land Transportation Offfice (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang publiko sa mga indibidwal na nagpapakilalang liaison officers para makipagtransaksyon sa Department of Transportation (DOTr).

Naglabas ng babala si Mendoza kasunod ng pagkaaresto ng isang lalaki sa Muntinlupa City dahil sa kasong large-scale cybercrime estafa.

Nagpakilala umano siyang government liaison coordinator para sa DOTr.

Batay sa ulat, humingi umano ang lalaki ng Php 450,000 processing fee sa isang complainant para maproseso ang LTO licensing at registration ng motor vehicles na kailangan para sa isang franchising business.

Dahil dito, nagpaalala si Mendoza sa publiko na maging maingat at mapanuri sa pakikipagtransaksyon.

Pagtiyak pa nito ang mahigpit na makipagtulungan ng LTO sa law enforcement agencies para habulin ang mga indibidwal na sangkot sa ganitong aktibidad.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us