LTO, magpapatupad ng road safety measures sa pagbabalik eskwela sa Agosto 29

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapakalat ng law enforcers ang Land Transportation Office (LTO) sa mga kalsada sa pasukan ng klase sa Agosto 29.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza ii,magpapatupad ang mga itoo ng road safety measures dahil inaasahan na ang dagsa ng mga mag-aaral na magbabalik eskwela sa pribado at pampublikong paaralan.

Inatasan na ni Mendoza ang mga LTO regional directors at mga opisyal na makipag tulungan na sa mga LGUs at DEPED para sa maayos at ligtas na pasukan ng klase .

Magiging mahigpit ang LTO sa pag inspection sa mga pampublikong transportasyon at school services.

Kabilang sa babantayan ang mga overloaded, mga hindi rehistrado o colorum school service vehicles at ang pagiging roadworthiness ng sasakyan

Sa pagpapatupad ng OPLAN: Balik Eskwela 2023, magiging visible ang mga law enforcer sa mga kalsada sa mga paaralang makapal ang populasyon.

Kabilang na dito ang Batasan Hills National School at Pres. Corazon C. Aquino Elementary School sa Batasan, Quezon City; Dr. Alejandro Albert Elementary School sa Sampaloc, Manila; at Bagong Silangan Elementary School sa Bagong Silangan, Quezon City.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us